View Lyrics: Pa'no Pag Dalawa [Silang Mahal... Modal close icon

Viewing lyrics for Pa'no Pag Dalawa [Silang Mahal Mo?] (Feat. Dos) by TuLang Liriko.

KAGEE:
pag dalawa ang love mo, pano mo 'toh gagawan
ng...solusyon, pag ikaw pinag-aagawan
ng...dalawang lalake, kaso di naman kase pwede
na pagsabayin sila, yun na la'y depende

kase ayoko namang tawagin akong two-timer
di man ako matino, but i'm not that kinda lover
kaya kailangan talagang isa lang ang aking mahalin
isa lang sisintahin, kaya isa lang ang pipiliin

ngunit yun na nga'ng problema, di ko alam kung sino
ang hirap kayang mamili, kung sino ang matino
eh gentleman yung isa, kaso mas gwapo naman ito
kakainis na, ako na'y nalilito

"sino ba sa kanila?" yan ang malaking tanong
at ako pa ri'y undecided kung sino ang totoong...
laman ng puso ko, kung sino ba talaga sa dalawa
kung sino man piliin ko, wala na silang magagawa [ahahah]

CHORUS [DOS]:
pano pag dalawa silang mahal mo? [talaga]
hindi ka makapagdecide kung sino [ba talaga]
kailangan kang mamili sa kanila [pero nga]
ayaw mo namang masaktan yung isa [ahhah]

X3RO:
[uh] eto ang ta..tamang tamang pa..panahon na
para ma..masubukan ko naman magnobya
mapatunayan ko ang aking pagkalalake
at sa iba, meron na kong maipagmalake

at pag namamasyal, ay aking kasama
hindi ako na lang palage mag-isa
at iaalay na..ang aking puso
pero kung dalawa sila, ang tanong "kanino?"

ang hirap hirap hirap hirap kase magdesisyon
magpaligaya lang ng babae ang aking misyon
di ako makapili, sa kanilang dalawa
gusto ko yon at syempre gusto ko rin siya

ako at sya ay bagay, sya't ako ay bagay
sa akin di ba sila puwede na sabay?
>uno: "kayat ko bagi ka lang, madik kayat ti kagudwa"]
"adu la amin! bagi kayun ah nga duwa, ha?"
[translation: "gusto ko akin ka lang, ayoko ng may kahati"
"hindi na mahalaga yon! sa akin na kayong dalawa, ha?"]

CHORUS [DOS]:
pano pag dalawa silang mahal mo? [talaga]
hindi ka makapagdecide kung sino [ba talaga]
kailangan kang mamili sa kanila [pero nga]
ayaw mo namang masaktan yung isa [ahhah]

AMBOY:
wish ko lang na sana, ang puso ko maging dalawa [heheh]
so..kahit ang amboy sa ganun di na mahirapan pa
sa pagpili sa inyo ako'y lito na lito
kase pareho sa inyo ako ay merong gusto

eh pano, ko sasabihin syo "halabshuu bhaby!"
eh kase feeling ko naman ngayon "i lab my besy"
hindi ko na alam kung sino sino ba talaga
ang aking puso ay kanino ba itatalaga

eh pag kasama kita, ako ay masaya
eh pag kasama ko sya, ako pa ri'y masaya, kaya
di ko na malaman kung saang direksyon
kung pwede nga lang sana magkaron na ng eleksyon

kung sino boto don, kung sino boto dyan
may magsasabing "oo", may magsasabing "wag yan"
at kung magkabukingan, hallah! patay na
baka si bhaby at si besy, mag-away na [huh..]

CHORUS [DOS]:
pano pag dalawa silang mahal mo? [talaga]
hindi ka makapagdecide kung sino [ba talaga]
kailangan kang mamili sa kanila [pero nga]
ayaw mo namang masaktan yung isa [ahhah]

TWIGG:
[uh uh brwaah!] nung una, you and i, masayang nagsasama
pero 'ka mo merong isang baby biglang umeextra
sa cute ni baby na taga bay side
kaya biglang naisip, yung isa step aside muna

upang makatabi kita sa may kama
at magkaroon naman ng konting pagdadrama
pero, sana wag akong mabuko
na merong kiss mark sa aking noo

hallah sige, sige, sige konti na lang
sa isang kumander ko, ako ay natitigang
kase walang wala ng magawang matino
diyos ko po, inay ko po, itay ko po, sorry na ha

coz i trade my girl for a chick
ang dati kong ugali ay biglang bumalik
yung isa house and lot, yung isa limosine
kaya si honey at si baby nagdidikdik ng asin

CHORUS [DOS]:
pano pag dalawa silang mahal mo? [talaga]
hindi ka makapagdecide kung sino [ba talaga]
kailangan kang mamili sa kanila [pero nga]
ayaw mo namang masaktan yung isa [ahhah]

MADD TWIST:
[uh uh uh!] nakoh yari patay! nagkagusto ko dalawa
sa sitwasyon ko na ito ang hirap ng kumawala
kung bakit ba kase di makontento sa isa
ang rason ko ayoko nga kasing mapag isa

ang gusto ko, dalawa ang aking nobya
kahit sa mga kuya, meron na kong phobia
ni hindi ko kaya, isugal yung isa
eh kase nga, mahal ko silang dalawa

coz what i want, meron sa kaliwa at kanan
kahit na aaminin kong ito na'y kasalanan
kung pwede lang kase, puso ko na nga'y
mabiyak
sa dalawa, para yung isa di na umiyak

pero kailangan kong pumili ng one and only lady
yung pwede ko tawagin habang buhay na aking baby
magpapakatino na ko, di na magiging playah
ang hirap pala kase magmahal ng dalawa

DOS - CHORUS 2x:
pano pag dalawa silang mahal mo? [talaga]
hindi ka makapagdecide kung sino [ba talaga]
kailangan kang mamili sa kanila [pero nga]
ayaw mo namang masaktan yung isa [ahhah]

Close