View Lyrics: Lupang Pangako Modal close icon

Viewing lyrics for Lupang Pangako by Deutero.

Lupang Pangako (Land of Promise) - Mindanao
composed and arranged by: DEUTERO

Ikaw, ako, tayo ay iisa
Ipinanganak sa lupang pangako
Kinagisnan ko ay lawak ng kabihasnan
Ubod sa yaman ng kalikasan

Tayo'y magkakapatid
nagkakaisa kailanpaman
Sa kapayapaan at kaunlaran

Mindanao
oh Mindanao, Mindanao...

Lupang Pangako, Mindanao
Alay namin 'to sa lahat
Musikang tunay...

Hanggang magpakailan pa man
Awitin natin, isigaw natin!
Lupang Pangako, Mindanao! Mindanao!
Mindanao!

Lupang Pangako
Ang pag-asa nating lahat
Sagana sa yaman at kalikasan
Mamamayan ay nagtutulungan

Upang makamtan ang kasaganahan
Kapayapaan at kaunlaran

Lupang Pangako, Mindanao
Alay namin 'to sa lahat
Musikang tunay...

Hanggang magpakailan pa man
Awitin natin, isigaw natin!
Lupang Pangako, Mindanao! Mindanao!
Mindanao!

Bawat isa ay may kanya-kanyang prinsipyo
at may paninindigan
Tiwala sa sarili at kakayahan
Upang maitaguyod ang lupang tinubuan
tungo sa magandang kinabukasan

Lupang Pangako, Mindanao
Alay namin 'to sa lahat
Musikang tunay...

Hanggang magpakailan pa man
Awitin natin, isigaw natin!
Lupang Pangako, Mindanao! Mindanao!
Mindanao!

Lupang Pangako
Ang pag-asa nating lahat
Sagana sa yaman at kalikasan
Mamamayan ay nagtutulungan

Upang makamtan ang kasaganahan
Kapayapaan at kaunlaran

Kristiyano, muslim at lumad
Nagkakaisa, magkakasama
Iisang mithiin, iisang hangarin
Ipaglaban at pagyamanin
Ang lupang tinubuan...

Lupang Pangako, Mindanao
Alay namin 'to sa lahat
Musikang tunay...

Hanggang magpakailan pa man
Awitin natin, isigaw natin!
Lupang Pangako, Mindanao! Mindanao!
Mindanao!

Lupang Pangako!
Ang sagisag ng tunay na Pilipino
Matapang, magiting, matatag, matibay
Mahuhusay sa buhay
Para umasenso ang bukas mo...

Lupang Pangako...Mindanao!
Mindanao! Oh, Mindanao!

Lupang Pangako
Ang pag-asa nating lahat
Sagana sa yaman at kalikasan
Mamamayan ay nagtutulungan

Upang makamtan ang kasaganahan
Kapayapaan at kaunlaran

Mindanao!

Close