View Lyrics: Kabilugan ng Buwan Modal close icon

Viewing lyrics for Kabilugan ng Buwan by Ellen&Kats.

Performed by Ellen San Miguel
Lyrics and Music by Kats Alvir
Produced by Arthur Rodriguez
Vocal Recording by Steve Francis at Stush Music
************************************

Hating gabi na namang muli
Pinagmamasdan ang iyong himlayan
Ngunit nasaan ka, nasaan ka

Heto na naman, kabilugan ng buwan
Ilaw nya'y kayapos ang iyong larawan
Ngunit wala ka na, nasaan ka

Chorus:
Diba't pangako mo na babalik ka sa'king piling
Diba't sinumpa mo sa harap ng mga bituin
Sa gabi ng kabilugan ng buwan

Parang kailan lang alaala pa
Tamis ng 'yong halik
Init ng 'yong bisig
Sa buong magdamag, buong magdamag
Tila ba, minsa'y nadama kita sa aking tabi
Ngunit nang aking buksan ang aking mata, panaginip lang pala

Repeat Chorus

O buwan sya ba'y nakikita mo
Nadarama mo rin ba lungkot sa puso ko
Pagkat wala na sya, di na babalik pa

Close