View Lyrics: Langit Lupa - No Parking Modal close icon

Viewing lyrics for Langit Lupa - No Parking by No Parking.

Langit, lupa, impyerno,
im- im- impyerno,
saksak puso,
tulo ang dugo.

Umalis ka na sa kinalalagyan mo.
Pansamantalang alamin maging tao.
Pakiramdaman ang suot na sapatos
ng iyong kapwa.
Iilan pa lang ang iyong nakikita.
Iilan pa rin ang nakakaginhawa.
Magmasid-masid; nahahati ang lahi:
langit at lupa.

Ikaw ang taya; habulin mo lahat ng kalaban.
'Di matataya, nakatungtong sa kapangyarihan.

Langit, lupa, impyerno,
im- im- impyerno,
saksak puso,
tulo ang dugo.

Mapagmataas, mayayaman na ganid,
'di na maabot lumipad na sa langit.
Sa himpapawid 'di sila anghel kundi mga langaw.
'Di pa rin sawa mayayaman na langaw
sa karangyaan at pagyakap sa ulap.
Gagawin lahat para lang masipsip
lahat ng makita.

Ikaw ang taya; habulin mo lahat ng kalaban.
'Di matataya, nakatungtong sa kapangyarihan.

Nagpupumiglas araw-araw ang buhay
dito kung saan karamihan ay lupa.
Kahit na kapos, masigasig at marangal mga tao.
Nasaan ka man, mapa-langit o lupa,
kalabanin ang kawalang-katarungan.
Kaya rin namang manirahan sa langit -
paa sa lupa.

Ikaw ang taya; habulin mo lahat ng kalaban.
'Di matataya, nakatungtong sa kapangyarihan.

Langit, lupa, impyerno,
im- im- impyerno,
saksak puso,
tulo ang dugo.
Patay, buhay, umalis ka na dito.

===

March 2007
A. A. A. Alegre (lyrics)
A. A. A. Alegre / N. E. Arpon / J. A. Chavez (music)

Close