View Lyrics: Teritoryo Modal close icon

Viewing lyrics for Teritoryo by Blue Martian Cookies.

Ikot ng mundo ay bumibilis
Nahihilo, nabibigla, oras di matiis
Di mo ba alam kung kailan magtatagal
Bigat ng pinapasan maya't maya'y umaangal

Alam mo ba kung saan ang tungo?
Sitwasyong kay hirap walang lusot pare ko
Nakita mo na ba ang tunay na kulay
sa landas mga buwaya'y nagbabantay

Kapatid ano ba ang sagot dito
Sawang-sawang lahat sa sistemang ganito
Bakit? Bakit Ganito?
Hindi tayo alipin sa sarili nating Teritoryo

Bawat sandali na lumilipas
Lupit ng paghihirap ang laging dinaranas
Namulat ka na ba o hindi pa
Sa lipunang may sakit na nakakahawa

Kapatid ano ba ang sagot dito
Sawang-sawang lahat sa sistemang ganito
Bakit? Bakit Ganito?
Hindi tayo alipin sa sarili nating Teritoryo

Ikot ng mundo'y bumibilis
Nahihilo, di matiis
Di alam...Ang tagal
Pinapasan...Umaangal

Kapatid ano ba ang sagot dito
Sawang-sawang lahat sa sistemang ganito
Bakit? Bakit Ganito?
Hindi tayo alipin sa sarili nating Teritoryo
Teritoryo
Teritoryo

Close