View Lyrics: Tumugon sa Hamon Modal close icon

Viewing lyrics for Tumugon sa Hamon by Karl Ramirez.

Tumugon sa Hamon
(September 2011)

Written for the Church People and Workers Solidarity, a campaign for higher wages and workers rights.

Lyrics

'Di ka ba nababahala
Na ang nagtanim ng ating makakain
Said sa hirap ang sikmura

Nababagabag na malaman
Na ang gumagawa ng ating saplot
'Di makabili ng maisusuot

'Di ba't diwa ng pananampalataya
Gawin ang nararapat at ang tama

Koro: Halika na
Tumugon sa daing ng manggagawa
Makiisa na tayo
Sa pagpanday ng mundong makatao
At kung sa bawat pinagpaguran
Sapat ang halagang laan
'di ba't mas uunlad ang sambayanan

'Di ba't palaging paalala
Na dinggin aral ng maykapal
Samahan ng kilos ang dasal

At malasakit sa 'ting bayan
Sa pagtatanggol dapat handa
magpakatatag sa paniniwala

'Di ba't diwa ng pananampalataya
Gawin ang nararapat at ang tama

Koro: Halika na
Tumugon sa laban ng manggagawa
Magsama-sama tayo
Sa pagpanday ng mundong makatao
At kung sa bawat pinagpaguran
Sapat ang halagang laan
'di ba't mas uunlad ang sambayanan

Humayo't kumilos ng buong puso
At yayanig ang daluyong ng pagbabago

Koro: Halika na
Tumugon sa laban ng manggagawa
Magsama-sama tayo
Sa pagpanday ng mundong makatao
At kung sa bawat pinagpaguran
Sapat ang halagang laan
'di ba't mas uunlad ang sambayanan

Close